Kwarto
Maglilinis ako ng aking kwarto
na punong-puno ng galit at damit
mga bagay na hindi ko na kailangan
nakaraang hindi na pwedeng pagpaliban
Mga liham ng linihim kong pag-ibig
at litrato ng kahapong maligalig
dahan-dahan kong inipon
ngunit ngayon, kailangan nang itapon
[chorus]
Di ko na kayang mabuhay sa kahapon
kaya mula ngayon, mula ngayon
may jacket mong nabubulok sa sulok
inaalikabok na sa lungkot
may panyong ilang ulit nang niluhaan
isang patak sa bawat beses na tayo’y nasaktan
Alaala ng lumuluhang kahapon
dahan-dahan ko na ring kinakahon
natagpuan ko na ang tunay kong ligaya
lumabas ako ng kwarto’t naro’n s’ya
Magpapaalam na sa yo ang aking kwarto
magpapaalam na sa yo
magpapaalam na sa yo ang aking kwarto
Rate This Song
Artist Info
Sugarfree
Sugarfree is a three-piece Filipino band composed of Kaka Quisimbing on drums, Jalton Taguibao on bass, and vocalist Ebe Dancel on guitars, influenced by the likes of bands Popsicle, Oasis and Radiohead. Under EMI Philippines, they have launched three successful albums -- Sa Wakas (2003), Dramachine (2004), and the repackaged version of Dramachine (2006). Their 3rd studio album, entitled Tala-Arawan produced by Robin Rivera, who also produced the Eraserheads, was released on November 24, 2006.

Leave A Comment