Browse Lyrics by Band

Toggle Categories

Dalangin

Gusto ko sanang mahawakan ka
At minsan pa ay mayakap ka
Gusto ko sanang makausap ka
At minsan pa’y mahagkan kita
Madilim man ang iyong paligid
Liwanag ko ang siyang sisisid
Ang tamis ng aking mga halik
ang siyang magsasabing sayo’y mananabik

Sa ilalim ng buwan tayo’y magsasama
Sa ilalim ng araw tayo ay magsasaya

[chorus]
O aking giliw, wag nang malumbay
ang pagibig ko sayo ay maysaysay
sa iyong paggising walang aakay
nandito lang ako naghihintay
pagkat ang nais ko’y ika’y maging akin
mga palad mo ang siyang aking dalangin

Sana wag mo akong ibaon sa limot
damdamin kong ito’y panahon pa ng Batibot
lahat ng bagay ay aking gagawin
upang ang puso mo ay aking maangkin
habang buhay ako sa iyo magpapadaya
pakiusap ko sa’yo wag kanang magaalala

Di ka mawala sa aking isipan
matagal na akong sabik sa’yo
sana naman ako ay pagbigyan
o wag na lang lilisan

Gusto ko sanang mahawakan ka
at minsan pa ay mayakap ka
gusto ko sanang makausap ka
at minsan pa’y mahagkan kita
sa ilalim ng buwan tayo’y magsasama
sa ilalim ng araw tayo ay magsasaya

[repeat chorus]

Rate This Song


(No Ratings Yet)
Loading ... Loading ...

Artist Info

Artist

Shamrock

Other songs from Shamrock

 

Leave A Comment


Comment Guidelines

  1. Your name & email is required to leave a comment.
  2. The admin has the right to delete comments that is offensive or abusive.
  3. If you want your avatars to show up on the comment, register your email to Gravatar.