Lagi Mo Na lang Dinidedma
Matagal ko nang gustong malaman mo
matagal ko nang itinatago-tago to
nahihiyang magsalita at umuurong aking dila
pwede bang bukas na, ipagpaliban muna natin to
[refrain]
Dahil kumukuha lang ng tyempo
upang sabihin sa iyo
[chorus]
Mahal kita pero di mo lang alam
mahal kita pero di mo lang ramdam
mahal kita kahit di mo na ako tinitignan
mahal kita kahit di mo lang alam, oh oh woh
Matagal ko nang gustong sabihin to
matagal ko nang gustong aminin sa yo
sandali, eto na at sasabihin ko na nga
ngayon na, mamaya o baka pwedeng bukas na
[refrain]
Dahil kumukuha lang ng bwelo
upang sabihin sa iyo.
[chorus]
Mahal kita pero di mo lang alam
mahal kita pero di mo lang ramdam
mahal kita kahit di mo na ako tinitignan
mahal kita kahit di mo lang alam, oh oh woh
[adlib]
[refrain]
Ngunit kumukuha lang ng tyempo
upang sabihin sa iyo .
Mahal kita pero hindi mo lang alam
hindi mo alam kasi hindi mo naman ako tinitignan
ayaw mo naman itanong sa kin kasi baka nga naman hindi naman ikaw
at hindi ko rin naman sa yo sasabihin kasi ayoko pa sa ngayon na manligaw
mahal kita pero hindi nga lang halata
hindi halata kasi wala nga naman akong ginagawa
hindi ako kumikibo, hindi ako nagsasalita, wala
pero hindi ako torpe
hindi ko lang talaga masabi sa yo nang harapan
mahal kita pero dehins mo pa rin ramdam
hindi mo ko titignan, hindi rin kita titignan
lagi mo lang akong pakikiramdaman, lagi rin kitang pakikiramdaman
at araw-araw tayong magdededmahan hanggang sa tayo ay magkabistuhan
pero ngayong malapit nang matapos ang kanta ko, nais kong magkaalamanan na
nais kong ako na rin ang magsabi sa yo nang harapan
kasi alam kong do’n din naman ang tuloy niyan
at dalawa din lang naman ang posibleng sagot d’yan: oo o hindi
kaya’t eto na, sasabihin ko na para matapos na at hindi na magka-chismisan pa
sasabihin ko na para wala nang problema at para hindi na rin kayong lahat nabibitin pa
[chorus]
Mahal kita pero di mo lang alam
Mahal kita pero di mo lang ramdam
Mahal kita kahit di mo na ako tinitignan
[coda]
mahal kita kahit lagi mo akong dinededma
Rate This Song
Artist Info
Rocksteddy
Formerly known as Acoustic Faith, Rocksteddy was born in March 2003. The band has presently launched "Lagi Mo Na Lang Akong Dinededma," "Gising Na," and the Close Up Jingle "Smile at Me" as their singles. They have also been commissioned to provide the theme song titled "Superhero" for the ABS-CBN fantasy show Super Inggo. They also contributed to the "Kami nAPO Muna:Tribute to the Apo Hiking Society" album where they recorded a cover of "Blue Jeans". Lately, they became part of the Manila sound tribute album,"Hopia,Mani,Popcorn",where they gave their own rendition of the Juan dela Cruz song,"No Touch".


Comments & Discussions
There is one comment for this song. Leave your comment
AzTiG 2ng kantang 2 !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Leave A Comment