Browse Lyrics by Band

Toggle Categories

Kai

Unti-unting gumagalaw
Kanyang matang nakatanaw
Sa’yong ngiting walang saya
Nagtatanong, nagtataka

Bakit ba ganito?
Tinapos sa gulo?

Wala na rin bang halaga
Ang yakap at halik niya
Dati’y hinahanap pa
Ngayo’y tinataguan na

Bakit ba ganito?
Tinapos sa gulo?

Mahalin mo na lang kahit kunwari
Dalangin nyang nakatingin sa langit
Naubos na ang sandali ng buhay niyang kasing gulo
Ng ’sang pelikulang wala namang istorya
Natapos ng ikaw na lang ang bida
‘di man lang nasabi na
Mahal na mahal mo sya

Ang hawak mong kasing lamig
Ng huling halik sa kanyang bibig
Bakit ba umiwas pa
Sa huling tanong na meron sya

Unti-unting nalilito
Naiinis sa kwento mo
Daig nyo pa ang tv ko

Mahalin mo na lang kahit kunwari
Dalangin nyang nakatingin sa langit
Naubos na ang sandali ng buhay niyang kasing gulo
Ng ’sang pelikulang wala namang istorya
Natapos ng ikaw na lang ang bida
‘di man lang nasabi na
Mahal na mahal mo sya
Mahal na mahal mo sya

Naubos na ang luha nya
Pikit na ang kanyang mata
Kanina’y nakatitig pa
Sa larawan mo na yakap nya

Mahalin mo na lang kahit kunwari
Dalangin nyang nakatingin sa langit
Naubos na ang sandali ng buhay niyang kasing gulo
Ng ’sang pelikulang wala namang istorya
Natapos ng ikaw na lang ang bida
‘di man lang nasabi na
Mahal na mahal mo sya
Mahal na mahal mo sya

Rate This Song


(2 votes, average: 4.5 out of 5)
Loading ... Loading ...

Artist Info

Artist

Maryzark

Composed of Ice Gecolea, Mike Mora, Axel Vito Cruz, Julius Dumlao and Ryan Fortuna ,all band members hail from St.Mary’s Academy, Pasay City hence the name Maryzark.

Other songs from Maryzark

Comments & Discussions

There are 3 comments for this song. Leave your comment

YEBAH!!! isa sa mga pinakamgandang tagalog na lumabas ngayun taon!! galings aisang banda!!! :D astig maryzark!! mpa live ska nde!!!

yeahyeahyeah!!! on August 2nd, 2007 at 4:05 am

hmmm…wat po ba title ng kantang yan?paki tell naman po….thanx…

ganda nya grabe….love yah AIseer para sayo yan…

shobe on October 16th, 2007 at 11:29 pm

@shobe: Kai nga eh.

Rock Boy Druid on April 27th, 2008 at 12:41 am
 

Leave A Comment


Comment Guidelines

  1. Your name & email is required to leave a comment.
  2. The admin has the right to delete comments that is offensive or abusive.
  3. If you want your avatars to show up on the comment, register your email to Gravatar.