Ang Huling El Bimbo
Kamukha mo si Paraluman
Nung tayo ay bata pa
At ang galing galing mong sumayaw
Mapa-boogie man o cha-cha
Ngunit ang paborito
Ay pagsayaw mo ng El Bimbo
Nakaka-indak, nakaka-aliw
Nakakatindig-balahibo
Refrain 1:
Pagkagaling sa eskwela ay didiretso na sa inyo
At buong maghapon ay tinuturuan mo ako
Chorus:
Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig ng tunay.
Naninigas ang aking katawan
Kapag umikot na ang plaka
Patay sa kembot ng beywang mo
At pungay ng ‘yong mga mata
Lumiliwanag ang buhay
Habang tayo’y magka-akbay
At dahan-dahan dumudulas ang
Kamay ko sa makinis mong braso, hoo…
Refrain 2:
Sana noon pa man ay sinabi na sa iyo, oh
Kahit hindi na uso ay
Ito lang ang alam ko
Repeat Chorus
La la la la
Lumipas ang maraming taon
Hindi na tayo nagkita
Balita ko’y may anak ka na
Ngunit walang asawa
Tagahugas ka raw ng pinggan sa may Ermita
At isang gabi’y nasagasaan sa isang madilim
Na eskinita, haaa….
Refrain 3:
Lahat ng pangarap ko’y bigla lang natunaw
Sa panaginip na lang pala kita
Maisasayaw, haww…
Repeat Chorus 2x
La la la la
La la la la
Rate This Song
Artist Info
Eraserheads
The Eraserheads, Eraserheads, or E-Heads was a prominent Pinoy rock band of the 1990s, formed by Ely Buendia, Raimund Marasigan, Buddy Zabala and Marcus Adoro. The band is one of the most successful, critically-acclaimed, and significant bands in the history of Original Pinoy Music, giving them the title "The Beatles of the Philippines."The Eraserheads was also said to open the second wave of band invasion, paving the way for other alternative rock bands such as Rivermaya, The Youth, Teeth, Siakol, Grin Department, Parokya ni Edgar and Yano.

Comments & Discussions
There is one comment for this song. Leave your comment
wow!! astig ng kanta ninyo na ito!! kaka-adik pakinggan .. hindi nakakasawa .. keep up the good work!!
Leave A Comment